MGA DAPAT TANDAAN SA POLICE CHECKPOINTS
1. Maliwanag dapat ang checkpoint at naka-uniporme ang nagbabantay na personnel.2. Kapag pinalapit sa checkpoint, bagalan ang takbo ng sasakyan, patayin ang headlights at buksan ang cabin lights. Huwag lumabas ng sasakyan. 3. I-lock ang mga pinto. Visual search lang ang pwedeng gawin ng mga pulis. 4. Huwag pumayag sa body search. 5. Hindi ka obligadong buksan ang iyong glove compartment, trunk o bag.6. Kung magtatanong ng routine questions ang mga pulis, sumagot nang magalang. 7. Panindigan ang iyong mga karapatan at huwag mag-panic. 8. Tiyaking madali mong makukuha ang iyong driver's license at mga papeles sa car registration.9. Laging ihanda ang cellphone.10. I-report agad kung nilabag ang iyong mga karapatan.