Sisimulan ko ang akin sulat sa pagsasabing.
Walang tama't mali dito sa mundo. Ang tama't mali ay isang uri ng pag-aalipin.
Gawin mo ang isang bagay hindi dahil sumunod ka sa batas,
dahil yun ang dapat hindi dahil yun ang tama sa batas.
Kung sakaling ginamit ko man ang salitang tama't mali.
Dahil yun ang pinaka madaling paraan para maintihan ng iba.
Dapat at hindi dapat lang ang pairalin mo.
Salot ba ang DROGA? Isa ba ito sa dahilan kung bakit magulo ang mundo at may nakawan/patayan sa kanto?
Sa aking pananaw hindi ito salot, o dahilan ng nakawan at patayan. May masamang epekto sa kalusugan mo,
parang sigarlyo at alak. Dahil may kemikal itong nakakalason. Oo tama yan. Pero lahat ng bagay sa mundo,
kapag sobra ka kumunsumo eh masama. Ang alak at sigarilyo ay may magandang epekto sa katawan.
Kagaya ng sinabi ko wag lang sobra, kung ilan o gaano kadami lang dapat. Ikaw na ang bahalang umalam.
(Kinakain ka na ng impormasyon, mas pinili mo lang na maging mangmang. Pero kung wala nga naman koneksyon sayo,
bakit mo nga aalamin.)
Kahit ang mga sinasabing bitamina kapag sumobra may masamang epekto sa katawan. At kung iisipin mo,
lahat ng kinakain at iniinum mo eh may lason na din. Kaya anong pang pag kaka-iba natin?
May droga na ba nung unang panahon? Kagaya ng mga naka-sulat sa biblya at mga history book?
Pero may nakawan/patayan at magulo na din ang mundo. Naturalesa ng tao ang maghanap ng sisihin sa mga bagay
na nangyayari na hindi umayon sa gusto nya. ( Malawak ang isang indibidual kapag naisip nya sa
huli na walang ibang may kasalanan.) At lahat ng inimbento o ginawa ng tao sa mundo ang unang dahilan ay
para makatulong. Sadyang mapaglaro,mapanuri at mapang-abuso lang ang tao sa mga bagay na nakikita nila.
Ang mga bagay na hindi dapat para sa kanila sinusubukan at inaabuso. Nasa katawan na natin yan pag silang
mo palang ang maging mapanuri. Makikita mo ang bata sinusuot ang tsinelas o sapatos na hindi sa kanila,
kaya susuwayin ng nakakatanda na may alam. Eh sino ba ang nagsasabing salot ang droga?
Gobyerno. Nakakaalam ba ito? O sadyang tinatakpan lang nila ang tunay ng dahilan ng kung bakit may nakawan/
patayan at magulo ang mundo. Na ang totoong dahilan ay ang hindi pantay pantay na pag-trato sa mahirap at mayaman,
at ang gutom. Para may sisihin lang sila at mabaling dun ang atensyon ng tao.
Halimbawa ang meth na mas kilala sa pilipinas sa tawag na shabu. Kung hindi ako nagkakamali (saktong wala kong
internet kaya di ko na na-double check) ay inimbento para sa mga sundalong German, para makatulong sa sundalo
nila kontra sa sundalo ng kalaban. Hindi ko sinasabing maganda yung Gyera, ang ibig kong sabihin para
"MAKATULONG". Para maging gising sila at alerto, bawas sa pagkunsumo ng pagkain at mag-boost ng kung anong
dapat nilang gawin...
Ngayon ginamit na ng tao o ginagamit ko ang shabu. (Hindi ko tinatanging gumagamit ako kapag tinanong ako ng tao
basta hindi ko kamag-anak, pero hindi ko sya pinag-mamalaki.) Para mag boost ng kung anong gagawin nila,
o tinatawag naming tri-tripin. Yung mga taong gumawa ng krimen gagawin balak na talaga nilang gawin yun, bago pa sila
gumamit ng mga droga. Gaya ng sinabi ko mag-boost lang ang droga sayo, pero hindi ito ang magtutulak sayo.
Gusto lang talaga ng taong gumawa ng mga krimen na may sisishin. At kung sino man ang nakaka-basa nito hindi
ko sinasabing mag-droga ka. Ang ibig kong sabihin maging responsable ka, kahit hindi ka nag dro-droga...
Kaya kong gawin ang mga bagay na ginawa ko kahit walang droga, mas pinili ko lang na meron.
Pero kahit wala OK lang din. Kung tatanungin mo ko kung, gusto ko bang itigil mag-droga? Oo... Hindi dahil may
nagagawa akong masama, dahil masama nga ito sa katawan. Pareho ng gusto kong itigil na ang sigarilyo.
At hindi ko kayang itigil na para sa sarili ko lang. Kailangan ko ng tao o bagay para maka-tigil ako sa
sigarilyo at droga.... At hindi ang Nanay ko, kahit alam kong mahal ko sya. Dahil alam kong mas mahal nya ko
at tanggap nya ko. Kaya hindi ko din pinapaalam tungkol dito...
Ang droga ay hindi nag-bibigay ng kasiyahan sayo, kagaya ng napapanood mo sa T.V. Na ang mga tao sa napapanood mo
eh mag-droga dahil may problema para makalimutan ito. Hanggang sa gagawa na sila krimen, at ang sisisihin
ang droga. Wala kong alam na gamot para makalimot sa problema, pangpakalma meron.
Dahil nga kain na ang iyong utak sa pinapanood mo sa telebisyon, kaya hinusgaan mo na sila ng hindi
maganda kahit hindi mo pa sila nakikilala, dahil lang sa nagdro-droga sila. Ang totoo makitid lang ang utak mo.
Ganito na ang tao sa simula palang. Kaya walang kinalaman ang DROGA sa gulo ng mundo....
Lahat ng tao kayang gumawa ng krimen, kailangan lang ng dahilan para gawin mo yun.
At dyan makikita kung masama ba ang ginawa mo, o sadyang mali lang sa batas at tingin ng tao.
Kung nagnakaw ka ng isang bagay gaya ng cellphone, dahil gusto mo magkaroon ng ganun o gusto mo lang
magkapera. E PUTANG INA MO...
Pero kung nag-nakaw ka dahil sa biglaang nasa-ospital ang isa sa pamilya mo. Hindi masama ang ginawa mo,
sadyang di lang tanggap sa batas o tingin ng tao ang ginawa mo...
Wag kang maniwalang mapupunta ka sa impyerno, dahil andito ka na.
Kumakain ka. Nahulog yung kinain mo, binilisan mo yung pag-dampot mo, sabay sabing " wala pang five seconds".
Ano ka bata o bata yung kausap mo? Ang laki mo na parang sa ganyang linya.
Kapag nahulog pag-kain mo kahit dahan dahanin mo pang pulutin, at sabihing " punks nga eh ".
Pwede mo pang ihulog ulit para sabihing " super punks ".
Basta mga bahuan o kadiri na yung gawain, pwede mong sabihin " punks nga eh ".
Pero kapag kagaguhan, wag mo babangitin yan kasi "wanna be ka lang."
Isa sa di kaaya ayang ugali sa karamihan ng tao. Yung kina-kaibigan lang eh, yung pareho sila ng paniniwala.
Wala na silang paki sa ibang paniniwala. Bakit hindi subukang kaibiganin yung iba ang paniniwala,
kung Christian ka, kumaibigan ng Muslim. Kung Atheist ka subukan mong kumaibigan ng Banal.
Kung mayaman ka subukan mong makisalamuha sa mga taong mahihirap. Tsaka mo matutunan na irespeto sila bilang tao.
Hindi irespeto ang paniniwala nila...
Kahit kailan mahirap irespeto ang paniniwala ng ibang tao, pero kung rerespetohin mo sila bilang tao.
No War No Casualties...
Sa mga sinulat kong ito, bibigyan ko lang ng dagdag na pagpapa-halaga ang mga kakababaihan.
Hindi nila kasalanan na maging mahina sila, at di rin kasalanan ng mga kalalakihan ang maging malakas.
Para sa mga lalaking makaka-basa nito, protektahan sana natin ang mga babae at wag na wag nyong sasaktan.
Pisikal man o emosyonal, dahil isang araw magiging Nanay din sila....
(Mama's Boy)
Salamat kay at sa grupo at banda...
Joey (high blood) para sa uportunidad.
Bon, Pong, Rambo, Jayson(Dimo) at MikelSon.
Joanna, Fate, Jam, Ayeng at sa Magandang Binibini.
Hakbang, Flash Elorde, Influence, NCP, W1,
at sa Sige na Bo kunti lang group...
Sa lahat ng kaibigan ko hindi kayo kasya dito, kaya pasensya na...
Maraming salamat.